Saturday, August 26, 2017

Tuklasin ang Burma


Myanmar


Myanmar o Republika ng Unyon ng Myanmar


Watawat ng Myanmar

Dating itong kilala bilang Burma, ito ang pinakamalaking bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang bansang ito ay napaliligiran ng bansang Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa timog-silangan, Bangladesh sa kanluran, at India sa hilaga-kanluran. Napaliligiran din ito ng mga anyong tubig tulad ng Dagat Andaman at Look ng Bengal. Tinatawag din ang bansang ito na lupa ng maraming pista o "Land of Many Festival" at karamihan ng mga pista rito ay sinusunod ang lunar calendar.

Mapa ng Myanmar

Kasaysayan

Larawan ng Myanmar noong unang panahon

Ang kasaysayan ng Myanmar ay nagsimula 13,000 taon na ang nakalilipas. Ang pinakaunang nanirahan rito ay ang mga Tibeto-Burman-speaking na mga tao. Sila ang nagtayo ng Pyu-city states sa Myanmar. Ang sumunod na nanirahan rito ay ang mga Bamar people nakapasok sila ng Myanmar noong ika-9th siglo sa pamamagitan ng pagdaan sa Irrawaddy valley. Itinayo nila ang Bagan Kingdom noong sila ay nakarating na rito.


Larawan ng nangyari sa Myanmar noong unang panahon
Larawan ng nangyari noong unang panahon sa Myanmar

Nang sumapit ang ika-16th na siglo ang dinastiya ng Taungoo ay ibinalik ang organisadong politika ng bansa. Ang hari ng dinastiya ng Taungoo ay gumawa ng mga paraan o reporma para maiangat ang mga nasa laylayan at para magkararoon ng mas tahimik at mas masaganang kaharian sa ika-17th at ika-18th na siglo. Makaraan ang ilang siglo nagpalit-palit ng dinastiya ang bansang Myanmar. Ang ilan sa dinastiya ay nagkaroon din ng gera sa kalapit nitong lugar na tinawag na anglo-burmese war. Nang kalaunan ay humantong sa British Colonial rule.

Nangyari sa Myanmar noong unang panahon

Simula ng kanilang kalayaan noong 1948 ang British rule ay tinaguriang isa sa mga pinakamahabang gerang sibil na hindi pa din nareresulba. Nang matapos ang British rule sumunod naman ang World War II na kanila ding natuklasan o naramdaman. Maraming buhay ang nawalan sa Myanmar noong mga panahon na iyon dahil na din sila ay nadamay mula rito. Hindi lang ang World War II ang kanilang naging problema noong panahon na iyon pati na rin ang mga Hapon ay kanilang naging suliranin. Marami pang gera at mga suliranin ang kanilang kinaharap noon ngunit magpa-hanggang ngayon ay sila'y nakatayo pa rin at mas lalong nagiging mas matatag.

Larawan ng nangyari sa Myanmar noong unang panahon

Tuklasin ang Myanmar sa pamamagitan ng pagbabasa at pagtuklas sa malawak at makahulugan na kasaysayan nito.

Credits: google images and wikipedia








No comments:

Post a Comment