Festivals
Talaga nga namang napakaganda at napakasaya ng mga festival ng Myanmar o Burma kaya halina't ating tingnan at tangkilikin.

Thingyan Water Festival |
Thingyan Water Festival
Ito ay isang pista sa Myanmar na isinasagawa tuwing gitna ng Abril. Ito ay pinakamalaki, pinakamasaya, at pinakatanyag na pista. Tumatagal ito ng ilang araw at humahantong sa Bagong Taon ng Myanmar. Ang mga relihiyosong tao ay puwede itong gunitain sa monasteryo pero ang karamihan ng tao ay ginu-gunita ito sa pamamagitan ng pagasasayaw, pagiinom, pakikinig ng musika, at pagtatapon ng maraming tubig. Kung ikaw ay sasama sa paggunita nitong pista ay dapat handa kang mabasa ng todo! Makisaya sa pistang ito sa Yangon at Mandalay, Myanmar.

Kachin Manaw Festival |
Kachin Manaw Festival
Ito ay selebrasyon ng kultura ng Kachin na isinasagawa sa Myitkyina, unang linggo ng Enero. Pagsasayaw, sinaunang damit, malalaking karatula o simbolo ng Manaw ay ang karaniwang makikita sa pistang ito.

Phaung Daw U Festival |
Phaung Daw U
Festival Ito ang pinakamalaking selebrasyon sa Shan State na isinasagawa tuwing Oktubre. Ito ay tumatagal ng dalawang linggo kung saan ang golden barge ay hinahawakan ang imahe ng Buddha at ito ay hinahatak ng daan-daang katao sa paligid ng Inle Lake.

Ananda Pagoda Festival |
Ananda Pagoda Festival
Ang pista na ito ay ginugunita para sa mga tradisyunal na buhay ng mga magsasaka sa Burma o Myanmar. Ito ay ginaganap tuwing Disyembre o Enero. May mga palabas din na ipinapakita rito katulad na lamang ng theatro.

taunggyi fire festival |
Taunggyi Fire Festival
Ang pista na ito ay ginaganap tuwing Nobyembre sa kapital ng Shan State, Myanmar. Ginaganap din rito ang Full moon of Tazaungmoon kasama ang mga lobo na may ilaw at mga paputok o fireworks.
Credits: google images at wikipedia
No comments:
Post a Comment