Saturday, August 26, 2017

Makulay na Kultura

Kultura

Tao sa Myanmar
Ang kultura ng Myanmar ay may malaking impluwensiya ng Buddhism, Mon people, at ng kalapit bansa nitong India at Tsina. Na-impluwensiyahan din ito ng kanluran bahagi ng mundo kagaya na lamang ng British noong British Colonial rule. Ang mga naapektuhan sa kanilang kultura ay ang kanilang wika, edukasyon, at iba pa.


Tao sa Myanmar

Ang sining ng Myanmar ay nakabatay sa Buddhist o Hindung kosmolohiya at alamat. Ang ilan sa kanilang sining ay may imahe ni Buddha. Mayroon din silang 10 tradisyonal na sining at ang mga ito ay ang:
  1. Blacksmith
  2. Woodcarving
  3. Goldsmith
  4. Stucco Relief
  5. Masonry
  6. Stone carving
  7. Turney
  8. Painting
  9. Lacquerware
  10. Bronze casting
kultura
Ang wika naman nila ay may malakas na impluwensiya ng Budismo. Karamihan ng kanilang mga istorya o gawa ay nonfiction. Ang kanilang mga nobela ay may katulad o kamukha sa mga nobela ng mga taga-kanluran dahil na rin sa British Colonial rule na kanilang naranasan. Ang kanilang mga nobela ay karaniwang may kinalaman sa pag-ibig, paglalakbay, detective work, o paniniktik. Ang isa sa mga mahuhusay na manunulat noong Post-Colonial period ay si Journal Kyaw Ma Ma Lay. Ang isa pang kilalang mahusay na manunulat ay si Khin Myo Chit ang isa sa kanyang isinulat ay ang 13-Carat Diamond (1955) na nailimbag sa napakaraming wika. Marami pang mga akda ang kilala sa bansang Myanmar na siguradong kapupulutan ng aral at kasisiyahan basahin.

Libro ng 13-Carat Diamond (1955)
Saung-gauk
Mga lalaking tumutugtog ng Saung-gauk


Ang sayaw sa Burma ay maaaring mahati sa apat at iyon ang dramatic, folk, village, at nat na mga sayaw. Ang kanilang musika naman ay ginagamitan ng tradisyonal na instrumento na inaayos sa orkestra na tinatawag na Hsaing waing. Ang instrumentong hindi pangkaraniwan sa Burma o Myanmar ay ang Saung-gauk. Mahagita ay ang tawag kung saan mo puwede matagpuan ang mga klasikong musika ng mga taga-Burma o Myanmar.
Mga babaeng tumutugtog ng Saung-gauk
Sayawan sa Burma

Ang kanilang relihiyon ay karaniwang Budismo dahil ang budismo ay umusbong sa kanila noong kasagsagan ng Christian era. Kilala din sa kanila ang hinduismo na nanggaling sa bansang India na kanilang kalapit lamang ang animism ay tanyag din sa kanila.

Buddha


Credits: google images at wikipedia











No comments:

Post a Comment