Saturday, August 26, 2017

Pasyalan ang Burma


Magagandang tanawin



Ang Myanmar o Burma ay talaga nga namang mayaman sa magagandang tanawin halina't ating tuklasin ang ilan sa mga ito!

Inle Lake
Inle lake

Matatagpuan sa Nyaungshwe Township of Taunggyi District of Shan State, parte ng Shan Hills sa Myanmar. Ito ay pangalawa sa pinakamalaking lawa sa Myanmar. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamagandang atraksiyon sa Myanmar.
Bagan
Bagan 
  
 Bagan ay isang sinaunang lalawigan ng Myanmar. Ito ay kilala dahil sa Bagan Archaeological Area kung saan mahigit 2,000 na monumento ng Buddhist ang nakatayo.
Shwedagon Pagoda

Shwedagon Pagoda 

Ito ay pinangalanan din na Shwedagon Zedi Daw at kilala din bilang Great Dagon Pagoda at bilang Golden Pagoda. Ito ay matatagpuan sa Yangon, Myanmar. Ito ang pinaka sagradong Buddhist Pagoda ng Myanmar.
Chaungtha, Pathein
Chaungtha, Pathein
  
 Ito ay isang village at beach resort na matatagpuan sa Ayeyarwady Region, Myanmar. Ito ay mas kilala bilang Chaungtha beach na may layo ng 5 kilometro sa Yangon. Ito tanyag kasama Yangonites tuwing Oktubre hanggang Abril.
Mingun Pahtodawgyi

Mingun Pahtodawgyi 
  
 Ito ay isang hindi pa natatapos na monumento stupa na matatagpuan Mingun na 10 kilometro ang layo mula sa hilagang kanluran ng Mandalay sa Sagaing Region sa Centro ng Myanmar.
Goteik viaduct

Goteik viaduct 
  
Ito ay isang railway trestle sa Nawnghkio, western Shan State, Myanmar. Ito ang pinakamataas na tulay sa Myanmar at ito din ang pinakamalaking railway trestle sa buong mundo.
Shai-thaung Temple
Shai-thaung Temple
  
 Ito ay isang kilalang templo sa Mrauk U. Ang pangalan nito ay nangangahulugang 'Temple of 80,000 Buddha Images' at kilala din bilang 'Temple of Victory'.

Credits: google images at wikipedia




No comments:

Post a Comment