Saturday, August 26, 2017

Tuklasin ang Burma


Myanmar


Myanmar o Republika ng Unyon ng Myanmar


Watawat ng Myanmar

Dating itong kilala bilang Burma, ito ang pinakamalaking bansa sa Timog-Silangang Asya. Ang bansang ito ay napaliligiran ng bansang Tsina sa hilaga, Laos sa silangan, Thailand sa timog-silangan, Bangladesh sa kanluran, at India sa hilaga-kanluran. Napaliligiran din ito ng mga anyong tubig tulad ng Dagat Andaman at Look ng Bengal. Tinatawag din ang bansang ito na lupa ng maraming pista o "Land of Many Festival" at karamihan ng mga pista rito ay sinusunod ang lunar calendar.

Mapa ng Myanmar

Kasaysayan

Larawan ng Myanmar noong unang panahon

Ang kasaysayan ng Myanmar ay nagsimula 13,000 taon na ang nakalilipas. Ang pinakaunang nanirahan rito ay ang mga Tibeto-Burman-speaking na mga tao. Sila ang nagtayo ng Pyu-city states sa Myanmar. Ang sumunod na nanirahan rito ay ang mga Bamar people nakapasok sila ng Myanmar noong ika-9th siglo sa pamamagitan ng pagdaan sa Irrawaddy valley. Itinayo nila ang Bagan Kingdom noong sila ay nakarating na rito.


Larawan ng nangyari sa Myanmar noong unang panahon
Larawan ng nangyari noong unang panahon sa Myanmar

Nang sumapit ang ika-16th na siglo ang dinastiya ng Taungoo ay ibinalik ang organisadong politika ng bansa. Ang hari ng dinastiya ng Taungoo ay gumawa ng mga paraan o reporma para maiangat ang mga nasa laylayan at para magkararoon ng mas tahimik at mas masaganang kaharian sa ika-17th at ika-18th na siglo. Makaraan ang ilang siglo nagpalit-palit ng dinastiya ang bansang Myanmar. Ang ilan sa dinastiya ay nagkaroon din ng gera sa kalapit nitong lugar na tinawag na anglo-burmese war. Nang kalaunan ay humantong sa British Colonial rule.

Nangyari sa Myanmar noong unang panahon

Simula ng kanilang kalayaan noong 1948 ang British rule ay tinaguriang isa sa mga pinakamahabang gerang sibil na hindi pa din nareresulba. Nang matapos ang British rule sumunod naman ang World War II na kanila ding natuklasan o naramdaman. Maraming buhay ang nawalan sa Myanmar noong mga panahon na iyon dahil na din sila ay nadamay mula rito. Hindi lang ang World War II ang kanilang naging problema noong panahon na iyon pati na rin ang mga Hapon ay kanilang naging suliranin. Marami pang gera at mga suliranin ang kanilang kinaharap noon ngunit magpa-hanggang ngayon ay sila'y nakatayo pa rin at mas lalong nagiging mas matatag.

Larawan ng nangyari sa Myanmar noong unang panahon

Tuklasin ang Myanmar sa pamamagitan ng pagbabasa at pagtuklas sa malawak at makahulugan na kasaysayan nito.

Credits: google images and wikipedia








Makulay na Kultura

Kultura

Tao sa Myanmar
Ang kultura ng Myanmar ay may malaking impluwensiya ng Buddhism, Mon people, at ng kalapit bansa nitong India at Tsina. Na-impluwensiyahan din ito ng kanluran bahagi ng mundo kagaya na lamang ng British noong British Colonial rule. Ang mga naapektuhan sa kanilang kultura ay ang kanilang wika, edukasyon, at iba pa.


Tao sa Myanmar

Ang sining ng Myanmar ay nakabatay sa Buddhist o Hindung kosmolohiya at alamat. Ang ilan sa kanilang sining ay may imahe ni Buddha. Mayroon din silang 10 tradisyonal na sining at ang mga ito ay ang:
  1. Blacksmith
  2. Woodcarving
  3. Goldsmith
  4. Stucco Relief
  5. Masonry
  6. Stone carving
  7. Turney
  8. Painting
  9. Lacquerware
  10. Bronze casting
kultura
Ang wika naman nila ay may malakas na impluwensiya ng Budismo. Karamihan ng kanilang mga istorya o gawa ay nonfiction. Ang kanilang mga nobela ay may katulad o kamukha sa mga nobela ng mga taga-kanluran dahil na rin sa British Colonial rule na kanilang naranasan. Ang kanilang mga nobela ay karaniwang may kinalaman sa pag-ibig, paglalakbay, detective work, o paniniktik. Ang isa sa mga mahuhusay na manunulat noong Post-Colonial period ay si Journal Kyaw Ma Ma Lay. Ang isa pang kilalang mahusay na manunulat ay si Khin Myo Chit ang isa sa kanyang isinulat ay ang 13-Carat Diamond (1955) na nailimbag sa napakaraming wika. Marami pang mga akda ang kilala sa bansang Myanmar na siguradong kapupulutan ng aral at kasisiyahan basahin.

Libro ng 13-Carat Diamond (1955)
Saung-gauk
Mga lalaking tumutugtog ng Saung-gauk


Ang sayaw sa Burma ay maaaring mahati sa apat at iyon ang dramatic, folk, village, at nat na mga sayaw. Ang kanilang musika naman ay ginagamitan ng tradisyonal na instrumento na inaayos sa orkestra na tinatawag na Hsaing waing. Ang instrumentong hindi pangkaraniwan sa Burma o Myanmar ay ang Saung-gauk. Mahagita ay ang tawag kung saan mo puwede matagpuan ang mga klasikong musika ng mga taga-Burma o Myanmar.
Mga babaeng tumutugtog ng Saung-gauk
Sayawan sa Burma

Ang kanilang relihiyon ay karaniwang Budismo dahil ang budismo ay umusbong sa kanila noong kasagsagan ng Christian era. Kilala din sa kanila ang hinduismo na nanggaling sa bansang India na kanilang kalapit lamang ang animism ay tanyag din sa kanila.

Buddha


Credits: google images at wikipedia











Pasyalan ang Burma


Magagandang tanawin



Ang Myanmar o Burma ay talaga nga namang mayaman sa magagandang tanawin halina't ating tuklasin ang ilan sa mga ito!

Inle Lake
Inle lake

Matatagpuan sa Nyaungshwe Township of Taunggyi District of Shan State, parte ng Shan Hills sa Myanmar. Ito ay pangalawa sa pinakamalaking lawa sa Myanmar. Ito ay itinuturing na isa sa pinakamagandang atraksiyon sa Myanmar.
Bagan
Bagan 
  
 Bagan ay isang sinaunang lalawigan ng Myanmar. Ito ay kilala dahil sa Bagan Archaeological Area kung saan mahigit 2,000 na monumento ng Buddhist ang nakatayo.
Shwedagon Pagoda

Shwedagon Pagoda 

Ito ay pinangalanan din na Shwedagon Zedi Daw at kilala din bilang Great Dagon Pagoda at bilang Golden Pagoda. Ito ay matatagpuan sa Yangon, Myanmar. Ito ang pinaka sagradong Buddhist Pagoda ng Myanmar.
Chaungtha, Pathein
Chaungtha, Pathein
  
 Ito ay isang village at beach resort na matatagpuan sa Ayeyarwady Region, Myanmar. Ito ay mas kilala bilang Chaungtha beach na may layo ng 5 kilometro sa Yangon. Ito tanyag kasama Yangonites tuwing Oktubre hanggang Abril.
Mingun Pahtodawgyi

Mingun Pahtodawgyi 
  
 Ito ay isang hindi pa natatapos na monumento stupa na matatagpuan Mingun na 10 kilometro ang layo mula sa hilagang kanluran ng Mandalay sa Sagaing Region sa Centro ng Myanmar.
Goteik viaduct

Goteik viaduct 
  
Ito ay isang railway trestle sa Nawnghkio, western Shan State, Myanmar. Ito ang pinakamataas na tulay sa Myanmar at ito din ang pinakamalaking railway trestle sa buong mundo.
Shai-thaung Temple
Shai-thaung Temple
  
 Ito ay isang kilalang templo sa Mrauk U. Ang pangalan nito ay nangangahulugang 'Temple of 80,000 Buddha Images' at kilala din bilang 'Temple of Victory'.

Credits: google images at wikipedia




Tayo na't makisaya at makigulo!



Festivals



Talaga nga namang napakaganda at napakasaya ng mga festival ng Myanmar o Burma kaya halina't ating tingnan at tangkilikin.

Thingyan Water Festival
Thingyan Water Festival

Ito ay isang pista sa Myanmar na isinasagawa tuwing gitna ng Abril. Ito ay pinakamalaki, pinakamasaya, at pinakatanyag na pista. Tumatagal ito ng ilang araw at humahantong sa Bagong Taon ng Myanmar. Ang mga relihiyosong tao ay puwede itong gunitain sa monasteryo pero ang karamihan ng tao ay ginu-gunita ito sa pamamagitan ng pagasasayaw, pagiinom, pakikinig ng musika, at pagtatapon ng maraming tubig. Kung ikaw ay sasama sa paggunita nitong pista ay dapat handa kang mabasa ng todo! Makisaya sa pistang ito sa Yangon at Mandalay, Myanmar.
Kachin Manaw Festival
Kachin Manaw Festival

Ito ay selebrasyon ng kultura ng Kachin na isinasagawa sa Myitkyina, unang linggo ng Enero. Pagsasayaw, sinaunang damit, malalaking karatula o simbolo ng Manaw ay ang karaniwang makikita sa pistang ito.
Phaung Daw U Festival

Phaung Daw U
Festival Ito ang pinakamalaking selebrasyon sa Shan State na isinasagawa tuwing Oktubre. Ito ay tumatagal ng dalawang linggo kung saan ang golden barge ay hinahawakan ang imahe ng Buddha at ito ay hinahatak ng daan-daang katao sa paligid ng Inle Lake.
Ananda Pagoda Festival

Ananda Pagoda Festival

Ang pista na ito ay ginugunita para sa mga tradisyunal na buhay ng mga magsasaka sa Burma o Myanmar. Ito ay ginaganap tuwing Disyembre o Enero. May mga palabas din na ipinapakita rito katulad na lamang ng theatro.
taunggyi fire festival

Taunggyi Fire Festival

Ang pista na ito ay ginaganap tuwing Nobyembre sa kapital ng Shan State, Myanmar. Ginaganap din rito ang Full moon of Tazaungmoon kasama ang mga lobo na may ilaw at mga paputok o fireworks.

Credits: google images at wikipedia






Tara na't tikman ang ipinagmamalaki ng Burma



Pagkaing katakam-takam



Ang mga pagkain sa Myanmar o Burma ay talaga namang katakam-takam at nakakahalina kaya naman halina't ating tikman ang ilan sa mga ito.


Mohinga
Mohinga

Ito ay isang rice noodle at fish soup na karaniwang nasa hapag ng mga Burmese. Ang pagkaing ito rin ay tanyag bilang National Dish ng Myanmar.
Buthi Kyaw
Buthi Kyaw

Ang pagkaing ito ay gawa sa gourd at ito ay nilalagyan ng harina, rice flour, at iba pang pampalasa. ito ay karaniwang piniprito lamang. Kahit na ito ay isang simpleng putahe lamang ito ay katakam-takam pa rin.
Thoke
Thoke
Ito ay karaniwang parte ng hapag ng mga Burmese people. Puno ng sustansiya ang putahe na ito kaya naman mainam ito maging parte ng hapag araw-araw. Gawa ito sa kanin, noodles, at mga gulay.
Mandalay Mee Shay

Mandalay Mee Shay

Ang pagkaing ito ay tanyag dahil sa natatangi nitong sangkap. Ang ilan sa mga sangkap nito ay ang rice noodle at meat sauce.


Shan Tohu

Shan Tohu


Ang pagkaing ito ay parang isang pudding. Hindi ito pangkaraniwang tofu o tohu na gawa sa soybeans dahul ito ay gawa sa chickpeas.

Credits: google images at wikipedia



Kilalanin natin sila!


Mga Kilalang Personalidad

Halina't ating kilalanin ang mga personalidad sa Myanmar!

Pres. Htin Kyaw

Htin Kyaw
Htin Kyaw kasalukuyang presidente ng Myanmar. Ipinanganak noong Hulyo 20, 1946 sa Kungyangon Township, Myanmar.

Vice Pres. Nyan Tun

Nyan Tun


Bise presidente ng Myanmar noong 2012-2016. Ipinanganak noong Enero 12, 1954 sa Zigon Township.

Than Shwe
Than Shwe

Isang politiko at military personnel sa Myanmar. Ipinanganak noong Pebrero 2, 1933 sa Kyaukse.

U Thant
U Thant

Siya ay 3rd Secretary General of the U.N. Ipinanganak noong Enero 22, 1909 sa Pantanaw at pumanaw noong Nobyembre 25, 1974.
Khin Kyi

Khin Kyi

Siya ay isang diplomat sa Myanmar. Ipinanganak noong Abril 16, 1912 sa Myaungmya at namatay noong Disyembre 28, 1988.
Khun Sa
Khun Sa

Siya ay kilalang drug lord at negosyante sa Myanmar. Ipinanganak noong Pebrero 17, 1934 sa Mongyal Township at namatay noong Oktubre 26, 2007.
Credits; google images at wikipedia





Lakbay na!

Maglakbay tayo sa Burma!


Paano nga ba tayo makararating ng Burma o Myanmar? Halina't ating alamin!


Eroplano

Eroplano ang ating kailangan gamitin kung tayo ay nasa malalayong lugar. Ang malalayong lugar na iyon ang ang mga lugar o bansang hindi nakapalibot sa paligid ng Myanmar. 


Bangka

Bangka o barko ay maaari natin sakyan upang makarating o malibot ang Myanmar. Ang mga bangka rito ay puwede kang ilibot sa paligid ng Myanmar para makapamasyal.


Tren

Tren maaari natin itong sakyan para makarating o makalibot sa Myanmar. Maaari itong gamit kung ikaw ay maglilibot sa paligid ng Yangon o gusto mong marating iyon. 


Bus

Bus maaari nstin itong sakyan kung tayo ay maglilibot sa paligid ng Myanmar. Puwede rin itong gamitin upang makatawid sa karatig nitong mga bansa kagaya na lamang ng Tsina, Thailand, at India. Mas maganda din itong gamiting transportasyon upang mas makita natin ang mga ipinagmamalaki ng Myanmar.


Tuk-tuk

Tuk-tuk maarin ito gamitin para malibot ang Myanmar. Mas mararamdaman natin ang kagandahan o ang Myanmar kung ito ang ating gagamiting transportasyon dahil ito ang karaniwang ginagamit ng mga lokal roon. 


Kalesa

Kalesa maaari din natin itong gamiting transportasyon sa paglilibot ng Myanmar. Ito ang uri ng transportasyon na marami sa Myanmar. Maganda itong gamitin para masubukan ang ibang pakiramdam ng paglalakbay.


Credits: google images at getting around Myanmar